
Mula ulo hanggang paa ay perfect kung tingnan ang ating Kapuso stars na sina Megan Young, Jennylyn Mercado, Jackie Rice at Max Collins.
Pero, sa likod ng glitz and glamour, simple lang ang beauty regimen nila. Confident pa nga silang ipakita ang kanilang no makeup look.
Moisturizer is life para kay Miss World 2013 Megan Young, “There’s like a facial oil that I always use na I mix in between, and then after that, moisturize. Lagi akong nagmo-moisturize ng face so every night before I sleep, nagmo-moisturize para paggising mas fresh.”
May step-by-step skincare routine naman si Ultimate Star Jennylyn Mercado, “Daily routine ko pagdating sa skin care [ay] cleaning, washing, toning tapos moisturizing.”
Kumain nang masustansiya, uminom ng maraming tubig at matulog naman ang sikreto nina Jackie at Max.
“’Pag may free time, paganda. Well, sa food din, more on fruits, water, [and] sleep,” bahagi ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka actress sa Unang Hirit.
Back to basics naman talaga si Max pagdating sa pangangalaga ng kanyang sarili, “Just eat healthy, get enough sleep, and drink enough water because when I don’t do that, talagang makikita mo na kulang sa health [‘yung skin ko].”