What's Hot

#Guilty: Xian Gaza, hinatulan ng 5.5 taon sa bilangguan

By Cherry Sun
Published June 29, 2018 5:37 PM PHT
Updated June 29, 2018 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang saloobin ng tinaguriang billboard suitor na si Xian Gaza patungkol sa kanyang hatol.

Ibinaba na ang sentensya para sa billboard suitor na si Christian Albert Gaza o Xian Gaza.

Kailangang pagbayaran ni Xian ng lima at kalahating taon sa bilangguan ang kanyang ginawang panloloko sa kanya sanang business partners matapos tumalbog ang tsekeng kanyang ipinambayad.

“Guilty — 5 years & 6 months imprisonment, ?2,180,000.00 fine plus legal interests and costs,” pagbahagi niya ng hatol sa kanya.

Tila natanggap na rin niya ang kanyang kapalaran at nagpaabot ng mensahe.

Aniya, “Karma is real. What you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through. Babalik at babalik din sayo lahat kaya magbago ka na habang hindi pa huli ang lahat kagaya ko.”

Samantala, bago tuluyang mabilanggo ay nanawagan din siya sa aktres na si Erich Gonzales na naging dahilan ng kanyang pagiging viral.

Sambit ni Xian, “Erich Gonzales, one year na yung coffee date billboard ko on Sunday July 1... baka naman pwede mo ng pagbigyan yung kape natin bago man lang ako makulong oh? Nyealamat.”

Si Xian ay una nang nakulong noong April ngunit nakalaya siya matapos may magpiyansa para sa kanya.