
"I am 101% sure na hindi ako 'yun."
Matapang ang naging pahayag sa social media ng Kapuso actress na si Thea Tolentino patungkol sa alleged video scandal niya sa Internet.
READ: Thea Tolentino, malaki ang pasasalamat sa talent show na 'Protégé'
Unang nagsalita ang former Protégé finalist sa Twitter kung saan diretsahan niyang tinanggi na siya ang babaeng nasa video.
Hindi raw siya naapektuhan nang kumalat ang malaswang video dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya ganoong klaseng tao.
Nag-post din si Thea ng isa pang pahayag sa Facebook kung saan may pakiusap siya na tigilan ang kaniyang mga mahal sa buhay na pilit na idinadamay sa isang isyu na walang katotohanan at pawang kasinungalingan lamang.