WATCH: Ano ang sikreto sa almost 15-year relationship nina Troy Montero at Aubrey Miles?
Fifteen years na sa August 2018 ang showbiz couple na sina Troy Montero at Aubrey Miles, ano kaya ang sikreto sa kanilang long-lasting relationship?
Kuwento ni Aubrey, "Mapag-intindi siya." Dagdag naman ni Troy, "I'm always chasing her, let's just put it that way." Banat naman ni Aubrey, "Hindi naman, hindi naman chasing."
Ngunit malaking factor daw ang mahabang pasensiya ni Troy. Ani Aubrey, "Patient na, patient din sa ibang tao, wala siyang negative na tingin sa ibang tao."
Hindi na rin daw nag-aaway masyado ang dalawa. Kuwento ni Aubrey, "Hindi na kami away ng malaki, discussion na kami, meeting. We don't do effort na sigaw." Paliwanag naman ni Troy na "misunderstanding na something small" or "someone's stressing about something" lang ang usual na nagiging tampuhan nila. At agad naman itong nasusolusyonan.
Ang advice ng aktor: "Say sorry, even if it's not your fault. Say sorry. [Then] work it out later."
Panoorin ang highlight video sa Tonight With Arnold Clavio dito:
Video courtesy of GMA News