
Marami ang napahanga kay Kris Bernal nang gumanap siya sa doble kara na sina Nimfa at Rosette sa Impostora dahil ipinamalas niya dito ang kaniyang husay sa pag-arte at commitment sa kaniyang role.
Nagbunga ang lahat ng sakripisyo ni Kris sa show dahil sa mga magandang reviews at mataas na ratings na kanilang natanggap. Ngayon, mas lalo pang proud si Kris dahil mapapanood na ang Impostora sa bansang Ecuador!
Tuwang-tuwa ang Kapuso actress dahil ang galing ng pagkaka-dub sa kaniya sa wikang Espanyol. Kinuwento rin ni Kris ang ilan sa kaniyang pinagdaanan during and after filming Impostora.
Aniya, "The show that I didn’t have a life! All scenes required a lot of work to make it convincing for one actress to play both the good and the bad. There’s a lot you didn’t know. There were moments when I had to recover and figure out who I really was after 8 months the two characters had been living with me."