
In-admit sa ospital kahapon (July 10) ang Eat Bulaga child star na si Bae-by Baste dulot ng dengue.
Kaninang umaga, tinawagan ni Pambansang Bae Alden Richards para kamustahin ang kanyang itinuturing na kapatid.
“Dear Baste, daghan ga-pray for you, for us kaya laban jud dong, ayaw pa luya2x. Ipakulong nato kay Papa Sol ang lamok na nag-bite sa imo. Mag-pray lang ta kanunay kay Papa Jesus ug kang Padre Pio ha. Pati si Samsam nag-fever napud kay idol man ka niya kaya be strong para mag-strong pud si Samsam mawala pud iya sakit. (Dear Baste, marami ang nagdadasal para sa iyo at para sa ating pamilya kaya lumaban ka. Ipakulong natin kay Papa Sol ang lamok na kumagat sa iyo. Magdasal tayo kay Papa Jesus at kay Padre Pio. Si Samsam ay may lagnat din kasi idol ka niya kaya magpakatatag ka para maging matatag rin siya na malabanan ang kanyang sakit.)
Alalang-alala na si Mommy Sheila dahil hindi lang si Baste ang may sakit, pati ang nakakabatang kapatid nito na si Samsam ay may lagnat din.
Bumaha ang well wishes ng mga celebrities para sa batang aktor.