
Sinugod sa ospital noong Lunes, July 16, ang Sunday PinaSaya star na si Joey Paras dulot ng heart failure. Matagumpay ang surgery ng Kapuso comedian kahapon, July 18 at kasalukuyan na siyang nagpapagaling.
READ: Joey Paras, naospital dahil sa heart failure!
Marami ang nag-alalala sa aktor, pati na ang kanyang kapwa Kapuso star at Sunday PinaSaya co-host na si Jose Manalo.
READ: Celebrities pray for the fast recovery of Joey Paras after heart surgery
“Si Joey kasi, pareho namin na sobrang magtrabaho hangga’t kaya niya kahit hindi pa masyado ang tulog, magtatrabaho iyan,” kuwento ni Jose sa eklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Ayon sa komedyante, kailangan ring pag-tuunan ng pansin ang kalusugan, “Pahinga lang, pahinga ka nang mabuti. Tinanggal na niya nga ang smoke eh. Alam naming okay na [siya]. Joey, pagaling ka. Alagaan mo ‘yung sarili mo.”
Dagdag pa ni Kuya Jose, “Aanhin mo ‘yung malaking pera kung sa ospital lang napupunta. We need time to rest. Kung alam mo sa sarili mo na nagtatrabaho ka nang maganda, ‘wag kang matakot mawalan ng trabaho kasi marami pang kukuha sa iyo.”