
Nag-viral ang Saturday weather report ng resident meteorologist ng GMA na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz. Mayroon ng mahigit 8 million views sa Facebook ang blooper ng weather forecaster na ginawang meme.
Kaninang umaga, natuloy ang tawa ni Mang Tani at nagpaliwanag siya kay Unang Hirit anchor Arnold “Igan” Clavio kung bakit “Josie” ang natawag niya kay Balitanghali anchor Jun Veneracion.
“Dahil ‘yung aking concentration ay laging nasa bagyo kaya talaga kung minsan, laging nasa isip ko bagyo kahit ano’ng pangalan, mga Kapuso,” kuwento ng eksperto.
Kinabahan daw siya kaninang umaga sa morning show dahil baka kung ano ang kanyang matawag kay Igan.