
Isang bagsak presyong aloe vera soothing gel na nangangakong magbibigay ng magandang kutis, nakasira diumano ng mukha ng isang lalaki?
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ni Daniel na matapos gumamit ng isang aloe vera soothing gel, nasira raw ang mukha niya.
Ang kaniyang mata at noo, namaga, nagbakbak, at nagsugat-sugat pa.
Kuwento ni Daniel na nag-a-apply noon ng trabaho, “Inaalagan ko talaga 'yung sarili ko para makuha ko 'yung trabaho na gusto ko. Isa kasi sa tinitignan na advantage ng mga kompanya 'yun eh. Kailangan good-looking ka, physically fit ka.”
Habang naglilibot-libot daw sa Divisoria, nakakita siya ng soothing gel na patok ngayon sa social media dahil sa taglay na pampakinis nito. Dahil bagsak presyo raw ang nakita niyang soothing gel, binili at sinubukan niya raw ito.
Sa unang gamit daw ni Daniel sa soothing gel, feeling fresh at okay naman daw ang epekto nito sa kaniyang mukha. Pero sa ikatlong gamit niya nito, napatakan daw siya sa mata.
“Akala ko lumalabo lang siya, parang hindi ako makapag-focus sa trabaho.”
Habang tumatagal, hindi lang daw sumasakit pero lumalabo na rin daw ang paningin ng kaniyang isang mata. Nagsimula na rin daw mamaga ang kaniyang mata at noo na parang may bulutong.
“Dahil sa nangyari sa 'kin, huminto 'yung raket ko. Sinabihan din ako ng boss ko na magpahinga muna.”
Nagpakonsulta raw siya sa isang dermatologist, at minabuti ring ipinasuri ng KMJS ang ginamit na aloe vera gel ni Daniel sa isang laboratory.
Ano nga ba ang nangyari sa kaniyang mukha? Alamin sa KMJS: