
Pinagsasabay ni Mikee Quintos ang pag-aaral at pag-aartista. Pangarap ni Mikee na maging isang ganap na architect one day. Aniya, "Napalaki ako in a way na gusto ko rin magkaroon ng title, ano pa ba 'yung title na may arts, that's architecture for me."
Sa ngayon ay may upcoming show ang aktres sa GMA Telebabad, ang Onanay, na magsisilbing reunion project nila ng kanyang Encantadia co-star na si Kate Valdez.
Ikinuwento rin ni Kate Valdez na siya naman ay dating nangarap na maging flight attendant.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News