What's on TV

Lilet, balik GMA na sa kaniyang first Kapuso drama na 'My Special Tatay'

By Felix Ilaya
Published August 6, 2018 8:00 PM PHT
Updated August 24, 2018 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Excited si Lilet sa kanyang pagbabalik sa showbiz, lalung-lalo na't babalik siya sa Kapuso network na naging tahanan din niya noong teenage years niya.

Nagsimula sa showbiz ang singer na si Lilet bilang miyembro ng Wednesday Group ng That's Entertainment. Pagkatapos nito ay lumayo si Lilet mula sa mundo ng showbiz at bumuo ng kaniyang sariling pamilya.

Nang bumalik sa entertainment industry si Lilet ay kinareer niya ang kaniyang bagong passion sa pag-arte at napanood siya sa ilang Kapamilya shows.

Ngayon ay mapapanood siya bilang Isay sa My Special Tatay. Siya ay gaganap bilang ina ni Boyet [Ken Chan]. Sa kaniyang kuwento sa press, sinabi niya na ang project na ito ay special daw para sa kaniya.

Bakit kaya?

"Actually dito ako lumaki sa GMA, teenage years ko dito. This is going to be my first soap in GMA. I'm very excited and okey naman si Ken [Chan], 'yung rapport namin okey namin. -- Nag-quit ako for a time, 'nung bumalik ako, actress na 'yung in-explore na gawin. This is the very first teleserye ko with GMA," tugon ni Lilet.

Sa three-year acting career ni Lilet, ang role niya bilang si Isay na raw ang pinaka mabigat. "By far, ito 'yung most challenging role na ita-tackle ko since nag-start ako. Heavy drama, grabe abangan ninyo."