What's Hot

WATCH: What's next for Bianca Umali and Kyline Alcantara after 'Kambal, Karibal?'

By Jansen Ramos
Published August 9, 2018 4:10 PM PHT
Updated August 9, 2018 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News



Non-stop pa rin ang pagtatrabaho nina Bianca Umali at Kyline Alcantara kahit tapos na ang 'Kambal, Karibal.'

Non-stop pa rin ang pagtatrabaho nina Bianca Umali at Kyline Alcantara kahit tapos na ang Kambal, Karibal.

Pero kahit busy sila sa kani-kanilang showbiz commitments, nakuha pa rin nilang makipag-bonding sa kanilang mga fans.

Si Bianca, trineat pa ang kanyang tagahanga sa spa. "Sobrang grateful ak,o kasi 'yung Artist Center tinutulungan ako na magkaroon ng ganito with my fans once in awhile." kwento niya.

Magiging abala na raw kasi siya para sa kanyang big project na kanilang pagbibidahan ng kanyang love team na si Miguel Tanfelix. Nag-woworkshop na nga raw sila para rito.

"We have two. 'Yung isa is the one we're doing with Anthony Bova, 'Yung isa naman is 'yung workshop namin para roon sa something big." bahagi niya.

Si Kyline naman, tinatapos na ang recording para sa kanyang album at mula recording ay dumiretso naman siya sa rehearsals para sa Sunday PinaSaya.

Busy rin siya sa kanyang paghahanda sa kanyang concert na pinamagatang "Take Flight" na gaganapin sa September 8 sa SM Skydome. Binigyan pa nga raw siya ng kanyang idol na si Marian Rivera ng isang sequined boots para gamitin sa concert.

LOOK: Kyline Alcantara, tutok sa planning ng kanyang first concert

Ani Kyline, "Sabi niya [Marian] po sa'kin, last week pa daw po ito na sa kanya. Iniisip niya kung last week niya pa ibibigay or kapag malapit na 'yung concert ko. Maybe that's why she's always asking me kung kelan daw ba 'yung concert ko."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:

Video from GMA News