
Masayang-masaya si Kapuso young actress Kyline Alcantara sa natanggap na regalo mula kay Primetime Queen Marian Rivera.
Isusuot daw niya ang boots na bigay ni Marian sa kanyang upcoming concert na pinamagatang Kyline Take Flight.
Natanong naman si Marian tungkol sa nasabing regalo nang bumisita siya sa Smile Train para magbigay ng birthday donation.
Ayon sa kanya, nagulat daw siya nang padalhan siya ni Kyline ng mga bulaklak bilang pasasalamat.
"Kasi sobrang bait noong bata. After noon, last Sunday PinaSaya, pinadalhan niya 'ko ng flowers. Sabi ko, 'Para saan?' Nagte-thank you siya for being nice daw ako sa kanya and everything," kuwento ni Marian.