
Waging-wagi ang Kapuso young star na si Therese Malvar sa Cinemalaya 2018 nang hirangin siyang Best Supporting Actress sa entries na 'Distance' at 'School Service.'
Pinaabot ng direktor ng School Service na si Louie Ignacio ang kaniyang paghanga kay Therese sa isang Facebook post.
Aniya, "Sinseridad, tapang, at talino ang nakita ko sa Aktres na ito. Walang kwenta ang isang pelikula kung mali ang interpretation ng bawat Aktor sa ginagampanan nilang roles. Walang maliit o malaking role sa isang magaling na Aktor. mapapansin at mapapansin ang pagganap kung mahusay ang atake sa kanyang karakter. Napakahusay mong ginampanan ang karakter ni Linda sa School Service! Kayamanan ka ng Industrlya ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon. Ang pinakamagaling na aktres ng Kanyang henerasyon. 2018 Cinemalaya Best Supporting Actress LINDA ng School Service Teri Malvar!"
Abangan ang multi-awarded Kapuso actress na si Therese sa kaniyang future projects sa GMA, soon!