What's Hot

WATCH: Momoland, natutuwang alam ng maraming Pinoy ang choreography ng "BBoom BBoom"

By Michelle Caligan
Published August 18, 2018 5:16 PM PHT
Updated August 18, 2018 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Tuwang-tuwa raw ang Momoland dahil sobrang popular sa mga Pinoy ang kanilang kantang "Bboom Bboom. "

Kasalukuyang nasa bansa ang K-Pop girl group na Momoland para sa isang private concert.

LOOK: Korean girl group Momoland arrives in Manila

Bukod dito, hinarap ng grupo ang ilang miyembro ng press at kanilang fans kung saan naikuwento nila ang kanilang pagdalaw sa bahay ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

"It was so amazing, and [we were] stunned about it. And Manny Pacquiao, he was so nice and so cool. We got to see him in person," ani ng member na si Nancy, ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Tuwang tuwa din daw sila na sobrang popular sa mga Pinoy ang kanilang kantang Bboom Bboom. Maraming dance videos na nito ang naging viral.

WATCH: Guro na sumayaw ng "Bboom Bboom" sa harap ng kanyang mga estudyante, nag-viral

Pahayag pa ni Nancy, "They're so cute, and they all know our choreography. So every time [we look at them], they're like dancing, so that's so cute. Thank you."

Narito ang buong report: