
"Totoo ba? Are you really serious? I'm not payat like your typical models," 'yan raw ang naging unang reaksiyon ni Rita Daniela nang lapitan siya ng men's magazine na FHM para sa isang feature.
Ayon sa exclusive interview ng Kapuso singer-actress sa GMANetwork.com, one-and-a-half year niya raw pinag-isipan ito bago pumayag na gawin ang shoot.
Ikinuwento ni Rita na sumabak siya sa daring photo shoot na ito with a purpose, gusto niyang maging champion for body positivity para sa lahat. Alam n'yo ba na pinakiusapan ni Rita na huwag daw i-edit ang kaniyang katawan sa mga photos?
"The first time I talked to the art director, sabi ko 'Kahit ano po ang mangyari, ayoko ng edit. Kung may flabs ako sa picture, 'wag niyo pong i-e-edit.' Mas gusto ko na mayroon akong imperfection kasi 'yun gusto kong ipakita sa people. I want to show what is real, what is natural. I know I'm brave enough and I'm not afraid of the bashing," wika ni Rita.
Lastly, ibinahagi niya ang mensahe na gusto niyang makuha ng mga readers mula sa kaniyang feature. Aniya, "I wanna tell all the women, even the guys, na napagdadaanan 'yung discrimination because of what they look to go out of their house, be proud, be you, and embrace yourself that you alone are enough. Once you love yourself and accept who you truly are, I think that's one of the best things in the world."