What's Hot

WATCH: Ang misteryosong "monster ferris wheel" ng Surigao

By Bianca Geli
Published September 5, 2018 6:27 PM PHT
Updated September 5, 2018 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Isang matindi at madugong trahedya ang sinapit ng isang hairdresser at ng kaniyang barkada matapos nilang sumakay sa isang ferris wheel sa Surigao del Sur.

Trending sa YouTube ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinakita ang kuwento ng tinaguriang "monster ferris wheel" ng Surigao.

Nitong Hulyo lamang nang magpunta sa peryahan sa Barobo, Surigao del Sur ang isang barkada.

Laking gulat ng lahat sa peryahan nang biglang may umalingawngaw na kakaibang sigaw mula sa ferris wheel.

'Yun pala, naipit ang buhok ni Guyguy sa bearing shaft ng ferris wheel.

Sa tindi ng pagkakaipit nito ay natanggal ang kaniyang anit.

Kuwento ng kaibigan ni Guyguy na si Carl, “Na-shock po ako, tapos umiyak na lang po ako. Parang ang dali ng pangyayari.”

Isang hairdresser si Guyguy, ngunit ngayon, tuklap ang kaniyang anit.

Mula sa kaniyang kilay hanggang sa kaniyang likuran, natapyas pati kalahati ng kaniyang kanang tenga. Ang kaibigan naman ni Guyguy, nagkabali-bali ang mga daliri dahil rin sa sinakyan na ferris wheel.

Kuwento ni Guyguy, binangungot pa raw siya bago ang gabi ng kanilang pagpunta sa peryahan.

Ano na kaya ang nangyari kay Guyguy at sa peryahan ng Barobo, Surigao del Sur?

Panoorin sa KMJS: