#ArayBes: Celebrity couples na hiwalay na

Parte na ng mundo ng showbiz ang celebrity breakups, na minsa'y gumugulantang sa publiko.
Nakalulungkot na kung minsan ang inaakalang isang fairytale relationship at matagal nang pagsasama ay mauuwi sa hiwalayan, tulad na lamang ng relasyon nina Harlene Bautista and Romnick Sarmenta.
Marami rin ang nagulat nang maghiwalay ang love team-turned-lovers na sina Gerald Anderson at Kim Chiu noon.
Isa sa biggest celebrity breakup na nangyari noong 2021 nang maghiwalay ang Kapuso actor-host na si Rayver Cruz at si Janine Gutierrez. Inakala ng supporters na pangmatagalan ang dalawa, lalo na't noong umpisa ng kanilang relasyon ay nasa magkabilang network pa sila. Tumagal ang relasyon ng JanVer ng apat na taon.
Balikan ang ilan pa sa mga pinag-usapan at nakagugulat na celebrity breakups sa gallery na ito.








































































