
Nabigyan ng pagkakataon ang GMANetwork.com na ekslusibong masilip ang fight training ng cast ng higanteng telefantasya series na Victor Magtanggol ngayong Biyernes ng hapon, September 7.
WATCH: Alden Richards, may shirtless scene sa 'Victor Magtanggol'
Kasama sa naturang training ang mga bida ng Kapuso show na pinangungunahan ng Pambansang Bae Alden Richards, Andrea Torres at Pancho Magno.
Sa one-on-on interview ni Alden sa GMANetwork.com, ibinahagi niya na mahalaga para sa kanilang cast na mahasa ang kanilang skills sa fight scenes at stunts bago pa man sila sumabak sa taping.
Wika ni Alden, “Sobrang efficient niya, sobrang nakaka-cut down 'yung prep time and execution time whenever we are in taping. Tapos, mas napapaganda 'yung movements rather than on the day mo lang siya maaral.”
Dagdag niya, “So mas nade-enhance namin 'yung executions whenever we have rehearsals like this. So 'yun 'yung mga benefit na nakikita kong ikinaganda, rehearsing fight scenes prior to the day of the shoot.”
Bukod sa successful primetime series at upcoming big concert na 'Adrenaline Rush' sa darating na September 21 sa Kia Theater, tinanong namin ang Kapuso actor kung anu-ano pa ang big plans niya for the remaining months of 2018?
EXCLUSIVE: Alden Richards reveals guest performers at 'Adrenaline Rush'
Ayon kay Alden, pinaplano niya na magbakasyon kasama ang buong pamilya sa darating na Christmas season.
Saad niya, “Family plans na parang mag-a-abroad kami for the Christmas season, vacation. 'Tsaka, upcoming projects next year. Dun ako very excited.”