
“Ang hirap pala ng single, 'no?”
Ito raw ang na-realize ni Sanya Lopez habang ginagawa ang pelikulang 'Wild and Free' kasama ang kapwa Kapuso actor na si Derrick Monasterio.
Sa mga ini-release na promotional photos ng Regal Films, makikita na tila may pagka-sexy ang tema ng unang pagtatambal nina Sanya at Derrick sa pelikula.
“Bago 'to para sa akin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko noong time na 'yon.
“Ang hirap pala ng single, 'no? Wala ka man lang kaekspi-experience. So, parang doong ko lang din na-realize na parang, shucks…
“Hindi ko naman kailangan ng boyfriend para lang dun sa movie,” natatawang kuwento ni Sanya sa isang panayam kamakailan.
Paano niya pinag-aralan ang kanyang role sa 'Wild and Free' kung hanggang ngayon ay “no boyfriend since birth” pa rin ang 22-year-old actress?
“Siyempre, as an actor, pinag-aralan ko siya through social media.
“Partly, nag-workshop din po ako, may pinapanood din sa akin yung director namin para maging open-minded lang ako… pa-networking tayo!
“Open-minded tayo sa mga bagay na nangyayari.
“Yung story po kasi niya is talagang nangyayari sa relationship, kung ano talaga ang nangyayari sa relationship.”
Ano naman ang natutunan niya mula sa 23-year-old actor na si Derrick?
“Natutunan ko po ang lahat!” natatawang sagot ni Sanya.
Pagdating sa intimate scene na kanilang ginawa, sabi ni Sanya, “Relax lang kami pareho at kailangan naming mag-trust sa isa't isa.
“Nag-e-enjoy naman kaming pareho, in a good way.
“Nag-e-enjoy kami na parang wala yung awkwardness.
“Sa umpisa siguro nagkakaroon ng awkwardness, pero noong nandun na kami, lumabas na sa amin ang kailangan naming maging professional at the same time.
“Kasi, kung hindi, walang mangyayari. E, ang goal namin ay maging maganda 'yung kalabasan ng movie.”