What's Hot

Bakit hindi magkatabi sa pagtulog sina Troy Montero at Aubrey Miles?

By Aedrianne Acar
Published September 10, 2018 3:00 PM PHT
Updated September 10, 2018 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Nagreact sina Aubrey Miles at Troy Montero sa comento ng netizens na nagtanong kung bakit hindi magkatabi sa kama ang celebrity couple.

Maraming netizen ang nakapansin sa post ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero habang nasa isang hotel room sila sa Seattle, Washington.

Aubrey Miles is pregnant with third child

Makikita sa Instagram post ni Aubrey na nasa magkaibang kama na sila matutulog ng kaniyang long-time partner. May ilan tuloy na-curious kung bakit ganun ang sitwasyon nilang dalawa.

When Mommy & baby bump need some space, good night ❤️

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on

Nagpaliwanag naman si Troy na walang problema sa kanila kung hindi sila magkasama matulog, dahil gusto niya kumportable si Aubrey na limang buwan nang buntis.

Wala din daw plano si Aubrey na manganak sa Amerika, dahil plano niya isilang ang kanilang second baby sa Pilipinas.

Umamin naman si Aubrey na siya daw ang may kasalanan kung bakit may dalawang kama sa kanilang hotel room, dahil nagkamali siya sa pagbu-book.

May anak na sina Aubrey at Troy na si Hunter Cody at may isa pang anak ang former sexy actress sa dating karelasyon na si JP Obligacion.