
Nag-viral ang debut ni Alyanna Gopez dahil sa debut niyang Harry Potter-inspired na debut.
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinakita ang kakaibang debut ni Alyanna na may kasamang mala-Hogwarts na set-up, video mapping, magical cake, at acrobatic dancers.
Dream-come-true raw ito para sa debutante na Harry Potter fan, na tatlong buwan pinag-planuhan.
Kuwento ni Alyanna, “'Yun lang talaga kasi 'yun lang 'yung only thing na mahal ko as much as na willing akong i-share 'yung party ko.”
Sa likod ng bonggang selebrasyon ay ang munting kuwento ng mga magulang ni Alyanna na nag-hirap at nagsumikap para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.
Tunghayan ang kanilang storya sa KMJS.