
Ipinasilip ng Fil-Am model na si Kelsey Merritt sa Instagram ang kanyang latest photoshoot para sa global lingerie brand na Victoria's Secret.
Fierce and fresh ang dalaga suot ang kanyang comfy but chic Victoria's Secret lingerie. Tila nga patikim ito sa kung ano ang matutunghayan sa kanyang pagrampa sa VS fashion show ngayong taon.
Facts you need to know about Kelsey Merritt
Maraming natuwa sa kasaysayang gagawin ni Kelsey dahil siya ang kauna-unahang Pinay na rarampa rito.
Na-feature pa siya sa ilang international websites gaya ng Teen Vogue, Vanity Fair Italia, W magazine, Cosmopolitan UK at Harper's Bazaar.
Pero bago pa man niya masungkit ang kanyang pangarap na rumampa sa most-watched fashion event sa mundo, isa na siyang modelo para sa active wear ng Victoria's Secret na Victoria Sport. Tampok din siya sa catalogue, website, at print ads ng sikat na lingerie brand.
Panoorin ang buong report ng 24 Oras sa video na ito:
Video from GMA News