
Makaraan ang isang taon bilang Mutya ng Pilipinas beauty queen, panahon na para ipasa ni Jannie Alipo-on ang kanyang korona sa magiging bagong title holder ng Mutya-Tourism International.
Ano kaya ang saloobin ng Wowowin co-host?
Ayon sa exclusive interview ni Jannie sa GMANetwork.com, magkahalong emosyon ang nararamdaman niya.
Pag-amin niya, “Parang masaya pero parang ayaw ko pa. Naiiyak ako kasi syempre, ano ba pangarap ko 'to eh. Ito na ba 'yun, is this the end na ba? Pero na-realize ko, ako 'yung winner nung 2017 so forever na akong ganun. 'Yung crown lang kailangan ko talagang ipasa. 'Yun, medyo nakaka-sad pero happy."
Dugtong din niya, “I'm also excited kung sino 'yung papasahan ko ng crown."
Ngayong kailangan na lamang din niyang tuparin ang kanyang mga responsibilidad bilang Miss Tourism 2017 at bilang Wowowin co-host, binubuksan din ni Jannie ang kanyang sarili sa iba pang oportunidad.
Aniya, “Kung ano pumasok sa akin, kung ano i-offer sa akin, talagang go lang ako. So ngayon pinasok ko 'yung pagiging beauty queen, this is seven years in the making talaga. So every year talagang sumasali ako hanggang na-achieve ko 'yung dalawa kong crown, the national and the international. And then nag-open 'yung door sa akin 'yung pagiging host dito sa GMA, pinasok ko din.
“Ngayon siguro naghihintay na lang ako kung ano ba… Actually ang tinitibok ng puso ko talaga maging businesswoman. So, di natin alam pero ayaw ko naman i-give up 'yung career natin 'diba dito sa TV. So kung ano man ang ma-o-offer o mag-open pa na door, open naman ako,” patuloy niya.