What's Hot

WATCH: Irish surfing instructor, nagpapasaya ngayon kay Glaiza de Castro

By Gia Allana Soriano
Published September 19, 2018 10:16 AM PHT
Updated September 19, 2018 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Kapuso star Glaiza de Castro na masaya siya kasama ang Irish surfing instructor na si David Rainey. Alamin ang buong detalye sa interview ng '24 Oras' dito.

Ikinuwento ni Glaiza de Castro sa 24 Oras si David Rainey, ang Irish surfing instructor na ngayon ay nakakasama niya sa kanyang mga gigs.

Aniya, "Masaya ako na nakikita niya 'yung mga pinaggagagawa ko. Minsan tinatanong ko siya na 'Sigurado ka ba, sasama ka?' Pero masaya ako na nage-enjoy naman siya, at nage-enjoy din naman ako na kasama siya."

Ano nga ba ang relationship status nilang dalawa? Paliwanag niya, "Tingnan pa rin natin kasi wala pa rin kaming final na... Basta ngayon bumibisita siya, nagbabakasyon, at nage-enjoy."

Dagdag pa niya na malaki ang chance na makakasama niya si David sa London kung saan siya mag-aaral.

"May mga sisters siya doon, so I think plano niya mag-stay doon for a while with his sisters. So, ayun, baka mag-hangout kami. At tulungan niya rin ako sa ibang schools."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: