What's Hot

WATCH: Maine Mendoza, puspusan na ang recording para sa kaniyang debut album

By Aedrianne Acar
Published September 26, 2018 11:33 AM PHT
Updated September 26, 2018 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rochelle Pangilinan, nagbabala kontra sa nagbebenta ng fake Sexbomb concert tickets
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News



Ano'ng klaseng mga kanta ang maririnig n'yo sa debut album ni Maine Mendoza? Alamin!

Bukod sa malaking sitcom ni Maine Mendoza na Daddy's Gurl, puspusan na rin ang paghahanda ng Phenomenal Star para sa kaniyang debut album under Universal Records.

READ: Maine Mendoza, masaya sa suporta ng AlDub Nation sa solo projects nila ni Alden Richards

Sa one-on-one interview ni Maine kay Cata Tibayan sa Chika Minute, may patikim na ang Eat Bulaga host sa mga kanta na mapapakinggan sa highly-anticipated album niya.

Matatandaan na siya rin ang sumulat ng lyrics ng theme song ng hit movie nila ni Alden Richards na Imagine You and Me.

Saad niya, “Well 'yung mga na-record ko ballad pa lang kasi 'yun din naman 'yung thing ko, pero siyempre hindi naman buong album ko puro ballad lang.

“Siyempre maglalagay din kami ng upbeat song. Gagawin din naming pulido pag-release nito siyempre matuwa naman sila, hindi lang 'yung basta-basta makapag-release ng kanta.”

Ongoing na rin ang shooting ni Maine para sa 2018 Metro Manila Film Festival entry nila ni Bossing Vic Sotto.

Video courtesy of GMA News