
"Oo, binigyan ako ng bahay niyan eh. Siya (KC Concepcion) [ang nagbigay]," 'yan ang sagot ng childhood nanny ni KC Concepcion nang tanungin siya kung kanino galing ang bahay niya.
Sa Instagram Stories ng aktres kahapon, September 27, isang video ang ibinahagi ni KC kung saan makikita ang kanyang childhood nanny na si Nanay Lina.
Video courtesy of @itskcconcepcion (IG)
Tumandang dalaga si Nanay Lina dahil pinili niyang pagsilbihan si KC at ang pamilya nito.
Noong 2017, isang throwback photo ang ipinakita ni KC kasama ang kanyang Nanay Lina kalakip ang isang mensahe ng pasasalamat.
Saad niya, "She cared for me as a baby, would watch over me as my mother worked, and would hide my secrets (and midnight snacks) as a child... lol. As I got older, she would look forward to watching my movies and tv series and has a big smile every time she's near me..."
"She devoted her life to our family and today, I want to recognize her as a way of saying THANK YOU for the unconditional love and heartfelt service she's given us all these years," pagtatapos ni KC.
LOOK: KC Concepcion, named one of 2018's "Elegant Filipinas"