READ: Lolit Solis, nag-react sa panlolokong naranasan nina Kris Aquino at Jinkee Pacquiao
Nag-react sa Instagram ang veteran showbiz reporter at talent manager na si Lolit Solis sa panlolokong ginawa kina Kris Aquino at Jinkee Pacquiao ng kanilang mga pinagkakatiwalaang tao.
Inilarawan ni Manay Lolit kung paano itrato ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang personal assistant na siyang nagnakaw ng kanyang mga pera at alahas.
Jinkee Pacquiao, ninakawan ng alahas at pera ng kasambahay?
Sabi ni Lolit, "Sa mga Crazy Poor Asians na tulad natin Salve, parang ang laking bagay na may mga tao na nagtitiwala at binibigyan ng tsansa kahit paano na matikman buhay ng Crazy Rich Asians, di ba.
“Tingnan mo iyon PA ni mama Jinkee Pacquiao, isinasama siya kahit saan, pati sa abroad, talagang tiwalang-tiwala sa kanya. Natitikman niya lahat ng luho dahil nga kasama siya."
Nakapagtataka rin daw na kung sino pa ang mabait at mapagbigay ay siya pa ang ginagawan ng kasamaan tulad na lamang ng nangyari kay Kris.
Kris Aquino victim of financial abuse and betrayal
"Si Kris Aquino nga nakapagtataka na niloko pa eh napakabait niya sa mga staff niya. Mahilig siyang magbigay ng bonus and freebies at nakita ko kung paano tratuhin mga taong nagtrabaho sa kanya." pagbunyag ni Lolit.
Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ng showbiz reporter na mahirap nang maibalik pa ang tiwalang ibinigay ng mga naloko at inabuso.
"Pag sinasayang iyon mga ganun chances ang kawawa iyon nanloko at nang abuso, sila Kris at Jinkee tiyak mababalik pa iyon mga ninakaw sa kanila, iyon gumawa saan na mapupunta, sino pa magtitiwala?
"Hay naku, pag hindi ka marunong talaga sa buhay, ayun, barya lang kuntento ka na, di mo alam kung gaano kalaki nawala sa iyo." ani Lolit.