
Kahapon, September 28, itinanghal ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang concert na pinamagatang Sharon: My 40 Years.
Bukod sa kanyang fans, dinagsa din ng celebrity friends ni Sharon ang kanyang concert.
Isa na rito ang kanyang Bituing Walang Ningnging co-star na si Cherie Gil.
"I haven't seen her for years and I wanted so much to hug her as she sang and cried and touched everyone's heart including mine. Her voice still beautifully lingers. Nothing has changed except perhaps for being even more true and authentic and as always ... funny. An inspiring and admirable woman . You will always have my deepest respect and love," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Dumalo rin sa concert si Aiai Delas Alas na bumati sa kanyang 'BFF.'
"Happy 40th anniversary sa nag-iisang MEGASTAR ng Pilipinas.. I love you, my bff .. marami kaming nagmamahal sa 'yo," aniya.
Jessa Zaragoza and husband Dingdong Avanzado spent the night watching a 'real OPM icon.'
Charlene Gonzalez and Aga Muhlach were also spotted in the crowd.
Nag-father and daughter date rin sina Ogie Alcasid at Leila Alcasid.
Hindi rin pinalampas ni Judy Ann Santos na panoorin ang concert ng kanyang 'ate.'
Sold out ang Sharon: My 40 Years na itinanghal ni Sharon bilang pagdiriwang ng kanyang 40th anniversary sa showbiz.