READ: Ethel Booba, may tweet patungkol sa resignation ni Mocha Uson
Ngayong umaga, October 3, inanunsyo ni Mocha Uson ang kanyang pagbitiw bilang Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary sa hearing ng senado patungkol sa 2019 budget ng PCOO.
"Ako na po ang magsasakripisyo para maipasa na ang budget ng PCOO. Ako po ay nagdesisyon na mag-resign na po," pahayag ni Mocha.
Agad na nag-ingay sa social media ang resignation ni Mocha at nanguna pa nga ang kanyang pangalan sa Philippines Trends ng Twitter.
Marami ang nag-react sa balitang ito kabilang na ang komedyanteng si Ethel Booba na idinaan ang kanyang tweets sa biro.
"'Pag magre-resign kayo antayin nyo muna makuha ang 13th month pay. 3 to 6 months pa naman ang back pay. Charot," saad ni Ethel.
Ethel Booba, trends on Twitter for political joke
Dagdag pa niya, "Malapit na ang filing of candidacy kasi. Charot!"
Sumang-ayon naman ang aktres na si Bianca Gonzalez sa post ni Ethel.
Saad niya, "Ethel serving real talk!"