What's Hot

EXCLUSIVE: Kevin Santos, kinabahan nang malamang makakasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa 'Daddy's Gurl'

By Aedrianne Acar
Published October 6, 2018 12:48 PM PHT
Updated October 6, 2018 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Halong kaba at excitement ang nararamdaman ni Kevin Santos lalo na't makakatrabaho niya sina Vic Sotto at Maine Mendoza for the first time sa 'Daddy's Gurl.'

Muli uling maipapamalas ni Kevin Santos ang husay niya sa pagko-comedy, dahil isa siya sa mga cast ng pinakabagong Kapuso sitcom na Daddy's Gurl.

Wally Bayola on being the leading lady of Bossing: 'Overwhelmed na lumevel ako kina Alice Dixson'

Huli gumawa ng comedy program ang StarStruck finalist ay noong 2016 nang gumanap siyang Lance sa Ismol Family.

Sa exclusive chat ni Kevin sa GMANetwork.com, umamin siya na kinabahan siya nang malaman ang A-list celebrities na makakasama niya sa Daddy's Gurl.

Wika niya, “Actually nung tinawag sa akin ng manager ko na may bagong sitcom, na-excite ako kasi usually sanay naman tayo sa sitcom lalo na comedy parang naglalaro lang dun.”

“Pero nung tinext sa akin ng manager ko na kasama sina Bossing [Vic Sotto], sina Maine [Mendoza] so kinabahan ako bigla.”

“Kasi first time ko makatrabaho si Bossing and si Maine first time ko makatrabaho [at] first time ko makita so sobrang na-e-excite ako.”