What's Hot

EXCLUSIVE: Angelika dela Cruz, excited na mga A-list celebs ang makakasama sa kanyang unang sitcom

By Aedrianne Acar
Published October 9, 2018 3:18 PM PHT
Updated October 9, 2018 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Sa exclusive chat ng GMANetwork.com kay Angelika sa pictorial ng 'Daddy's Gurl' kamakailan, sinabi nito na looking forward siya sa comedy project dahil malayo ito sa mga dati niyang show na heavy drama. Read more.

Maipapamalas na ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz ang versatility niya sa pag-arte sa pagsabak niya sa kaniyang first-ever sitcom.

LOOK: Angelika dela Cruz, sumabak na sa taping ng sitcom na 'Daddy's Gurl'

Bibida si Angelika sa highly-anticipated Kapuso sitcom na Daddy's Gurl na pinangungunahan nina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza, Oyo Sotto at Wally Bayola.

Sa exclusive chat ng GMANetwork.com kay Angelika sa pictorial ng Daddy's Gurl kamakailan, sinabi nito na looking forward siya sa comedy project dahil malayo ito sa mga dati niyang show na heavy drama.

Wika ni Angelika, “Ito 'yung first kaya excited ako, at saka first-time ko rin to work with M-ZET."

Dagdag pa niya, "Sa totoo perfect talaga 'yung timing nito para sa akin, kasi sa ngayon ito talaga 'yung gusto kong gawin, 'yung medyo relaxed.”

Daddy's girl taping 😊😉 #1sttapingday #work #taping #newfamily #newshow

A post shared by Angelika Dela Cruz (@angelikadelacruz) on


Hindi alam ng marami na likas na makulit at kenkoy si Angelika sa totoong buhay kaya minsan ay nilalabas daw niya ito sa mga ginagampanan niyang role tulad na lang nang maging Geneva siya sa high-rating afternoon drama na Ika-6 Na Utos.

"Medyo nilalabas ko siya minsan 'pag soap parang 'yung sa Ika-6 Na Utos, 'yung character ko 'yung Geneva hindi siya dapat ganun eh. Ako lang 'yun, in-adlib ko lang' yun kasi since 'yung personality ko, parang feeling ko mas makaka-relate 'yung tao sa kaniya, 'pag medyo funny siya. A little break from 'yung awayan sila ng awayan.”

Tinanggap din ni Angelika ang role niya sa Daddy's Gurl dahil gusto niya makita kung paano gumagawa ng magic sa harap ng camera ang blockbuster tandem nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Saad niya, “Si Wally [Bayola] nakatrabaho ko na, pero si Bossing [Vic Sotto] and si Maine [Mendoza] first time, kaya exciting gusto ko malaman kung paano nangyayari 'yung mga magic nila, siyempre gusto ko makita 'yung mga yun.”

Abangan ang pagsisimula ng Daddy's Gurl on October 13!