
Ipapalabas na sa GMA Network ang Switch, ang Thai drama ng isa sa mga hottest reel-to-real love team sa Thailand na sina Nadech Kugimiya at Urassaya "Yaya" Sperbund.
Si Yaya ay gaganap bilang isang celebrity na mataas ang tingin sa kanyang sarili ngunit mababa naman ang tingin sa mga lalaki. Si Nadech Kugimiya ay ang matapang na captain na may kayabangan din, at feeling niya ay mas superior siya sa mga kababaihan.
Magkakatrabaho ang dalawa sa isang serye at magkakaroon ng mala-aso't pusang relationship, dahil na rin sa magkaibang views nila sa buhay.
Ano kaya ang gagawin nila kapag bigla na lang nagkapalit ang mga katawan nila? Matutunan na kaya nila maintindihan ang opposite gender? O tuluyan na kaya nilang masisira ang buhay ng isa't isa?
Abangan sa Switch, soon on GMA Heart of Asia!