
Um-attend ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Dominic Roco ng blogger's conference upang i-promote ang commercial release ng kanilang award-winning Cinemalaya entry na 'Liway.'
Mapapanood na ang pelikula nina Glaiza at Dominic this October 10 at makakasabay naman nito ang pelikula nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio na pinamagatang 'Wild and Free.' Hindi ba gumawa ito ng kompetisyon kina Glaiza at Sanya na gumanap na magkapatid sa Encantadia 2016?
Ayon kay Glaiza, "Well, in-invite nila ako sa premiere night nila, pero sabi ko naman sa kaniya na susubukan kong humabol dahil buong araw rin akong magpo-promote ng pelikula, alam niya naman.
"Recently, nag-Eat Bulaga kami three days ago. Nag-update kami, entiende kung hindi ako makapunta sa premiere night basta manood tayo ng pelikula natin pareho."
Kahit gumanap lang sila bilang magkapatid on-screen, tunay naman ang pagkakaibigan ng dalawa.
"Nandoon naman 'yung suporta, hindi naman mawawala 'yon. Kumbaga, understood na 'yon na magkapatid man kami sa TV, alam niya at alam ng tao, sinusuportahan namin ang isa't-isa anuman ang gawin namin individually," wika ni Glaiza.
Huwag palampasin ang "Liway" starring Glaiza de Castro at "Wild and Free" na pinagbibidahan naman ni Sanya Lopez na parehas mag-sho-showing this October 10.