
Buong buhay ni Bella Nie (Li Yi Tong), naniniwala siyang pangkaraniwang tao lang siya.
Magbabago ito nang mapalabas ng isang scientist ang kanyang tunay na anyo bilang isang halimaw!
Inilihim kasi sa kanya ng kanyang ama na isang halimaw pala ang kanyang ina.
Namatay ang kanyang ina sa labanan ng mga halimaw at tao kaya itinago siya ng kanyang ama at pinalaki bilang isang tao.
Ngayong alam na ni Bella ang katotohanan, magkakaroon siya ng pagkakataon na maging reyna ng mga halimaw. Kukunin kaya niya ito?
Panoorin ang Crimson Girl, 11:00 pm tuwing Sabado at 11:30 pm tuwing Linggo, simula October 14 sa GMA News TV.