What's Hot

WATCH: Payo ni Michael V sa collectors, viral!

By Al Kendrick Noguera
Published October 10, 2018 12:16 PM PHT
Updated October 10, 2018 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kremlin says peace prospects not improved by Europe, Ukraine changes to US proposals
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Viral ngayon sa social media ang isang clip mula sa YouTube vlog ni Michael V kung saan nagbigay siya ng payo sa mga mayroong collections at sa mga nais na mag-collect ng mga materyal na bagay. Panoorin 'yan sa video na ito.

Viral ngayon sa social media ang isang clip mula sa YouTube vlog ni Michael V kung saan nagbigay siya ng payo sa mga mayroong collections at sa mga nais na mag-collect ng mga materyal na bagay.

Isa si Bitoy sa mayroong collections gaya na lamang ng sneakers. Pero hindi tulad ng ibang collectors, isinusuot daw ng Kapuso comedian ang kanyang mga sapatos.

"Hindi sila (sneakers) pang-display lang ha, ginagamit ko talaga 'yan. Lahat ng sneakers ko. Ipinangte-taping ko, ipinanlalaro ko, ipinangmo-mall ko," bahagi ng Bubble Gang star.

Ginagamit niya raw ang kanyang sneaker collection dahil ayaw niyang matulad sa malungkot na istorya ng kanyang kaibigan na isa rin daw kolektor ng mga sapatos. Aniya, "May kaibigan ako, ang daming sneakers sa collection niya, hindi niya isinusuot dahil baka raw magasgas, baka raw maluma. 'Yung ilalim, nilalagyan niya pa ng masking tape kapag gagamitin niya para raw hindi madumihan. And then one day, he died. Ang daming sapatos sa koleksyon niya na hindi man lang niya naisuot. Hindi man lang nailabas ng box."

Alamin ang iba pang payo ni Bitoy sa viral clip na ito na mayroon ng 3.7 million views as of writing.


Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Bitoy featuring two of the most famous and expensive sneakers in the world, ang Paul George 2 PlayStation at Lebron Agimat.

WATCH: Michael V, nag-review ng dalawang sikat at in-demand na sneakers