What's Hot

Tunghayan muli ang 'Bride of the Water God' sa GMA News TV

Published October 11, 2018 2:55 PM PHT
Updated October 11, 2018 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang 'Bride of the Water God,' Lunes hanggang Biyernes, 11:00 pm simula October 15 sa GMA News TV.

Paparating na sa lupa ang diyos ng tubig upang hanapin ang mga makapangyarihang bato na makakatulong sa kanya upang maging hari ng mga kapwa niya diyos.

Ngunit bago ang kanyang paglalakbay ay binigyan siya ng payo na hanapin ang babaeng tagapagsilbi upang matulungan siya habang nasa mundo siya ng mga tao, pero ito ay tinanggihan ni Habaek. Pero paano kung pagdating niya sa siyudad ay biglaang mawala ang kanyang abilidad at kapangyarihan?

Mahahanap pa kaya niya ang mga bato? Matutulungan pa kaya siya ng kanyang tagapagsilbi? At matutupad pa kaya ni Habaek ang nakatakdang tadhana para sa kanya?

Abangan si Nam Joo Hyuk bilang si Habaek, ang diyos ng tubig na nag-uumapaw sa pagkabilib sa kanyang sarili sa Bride of the Water God, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 pm simula October 15 sa GMA News TV.