What's Hot

WATCH: Marian Rivera, nagsalita na sa mga taong gumagawa ng intriga sa kanila ni Maine Mendoza

By Aedrianne Acar
Published October 20, 2018 11:45 AM PHT
Updated October 20, 2018 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos joins Muslims in observing Al Isra Wal Mi’raj
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



Nais nang tuldukan ni Marian Rivera ang mga tsismis na nagsasabing may gap sila ni Maine Mendoza. Nilinaw ni Marian na 'pamilya' ang turingan nilang dalawa ng 'Daddy's Gurl' actress.

Gusto nang tapusin ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mga isyu at tsismis sa pagitan nila ng Phenomenal star na si Maine Mendoza.

LOOK: Daddy's Gurl knocks down rival program on its pilot episode

Sa isang event nang ini-endorso nilang skin care product, binigyan diin ni Marian na magkapatid ang turingan nila ng Daddy's Gurl lead star.

Aniya, “Tulad ng sabi ni Maine magkapatid kaming dalawa. Kung alam n'yo lang kapag sa management namin nagtutulungan kami. Kung puwede nga araw-araw ibuild-up namin ang isa't-isa bakit hindi.”

Ayon din sa Kapuso actress na hindi dapat daw pinaiiral ang crab mentatlity at bilang mga babae dapat nilang tulungan ang isa't-isa.

“At tsaka dapat ang mga babae nagtutulungan, hindi ganiyan di ba. Parang crab mentality, basta siguro kung may mga tao mang ganun hindi natin alam kung bakit ganun sila. Ang importante kaming dalawa ni Maine walang problema sa amin at mahal namin ang isa't-isa bilang magkapatid kami.”

Ni-reveal din ni Maine Mendoza na pamilya ang turing niya sa kaniyang Ate Yan na madaling hingan ng advice.

“Kasi since parang ate nga talaga ang turing ko kay Ate Yan ang tawag ko sa kaniya. Kasi ano minsan parang siyempre kailangan ko ng advice tungkol sa buhay-buhay in general na rin about showbiz, about life in general.

“So, minsan siya 'yung ina-approach ko sa kaniya ako nagtatanong at super natutuwa ako, ngayon ko lang sasabihin 'to Ate Yan na nagre-reply ka sa akin.”

Palaging tumutok sa funniest role ever ni Maine Mendoza bilang si Visitacion Otogan sa Daddy's Gurl tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Pepito Manaloto!