What's Hot

Lolit Solis, may payo kay Willie Revillame matapos ikumpara kina Tito, Vic at Joey

By Cherry Sun
Published October 21, 2018 3:04 PM PHT
Updated October 21, 2018 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Isang mahalagang paalala ang inihayag ni Lolit Solis para kay Willie Revillame matapos itong ikumpara sa 'Eat Bulaga' trio na binubuo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Isang mahalagang paalala ang inihayag ni Lolit Solis para kay Willie Revillame matapos itong ikumpara sa Eat Bulaga trio na binubuo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ani Lolit, kapuri-puri ang pagde-delegate ng trabaho nina Tito, Vic at Joey kaya masasabing bawas ang stress ng mga ito.

“Imagine 40 years na sila Tito, Vic, Joey ang haligi, napapalitan lang mga nasa paligid pero hanggang ngayon ayan pa rin sila. Kasi nga alam ng tatlo mag-delegate ng trabaho, basta darating lang sila sa studio as hosts at may kanya-kanyang trabaho ang mga tao. Kaya wala silang stress, bihirang uminit ang ulo at hindi napi-pressure,” sambit niya.

Dugtong pa ng beteranang talk show host at manager, ganito raw dapat ang gawin ni Willie para mapangalagaan ang kalusugan ng Wowowin host.

Wika niya, “It will have a toll on your health at sa pakikisama mo sa tao at mga direct staff mo. Makikita mo iyan sa mukha at katawan ni Willie Revillame, pagod na pagod, madalas maysakit kasi nga sa kanya lahat ang trabaho, siya ang direktang umiisip ng lahat kaya physically bumibigay ang katawan niya. Sana kung host lang siya, sana producer lang siya, pero lahat trabaho niya."

“Kung gusto ni Willie na magtagal hindi lang iyon programa pati katawan niya dapat may mga tao na siya bahala sa lahat. Iyon na lang pagiging host niya ang alagaan niya. Mahirap ang maging master of all, dahil health mo magsa-suffer. Enjoy your place Willie, take time to smell the flowers. Huwag subsob sa trabaho,” paalala ni Lolit.

Isang bagay Salve na lagi kong pinupuri ay iyon tatag ng Eat Bulaga. Imagine 40 years na sila Tito, Vic, Joey ang haligi, napapalitan lang mga nasa paligid pero hanggang ngayon ayan pa rin sila. Kasi nga alam ng tatlo mag-deligate ng trabaho, basta darating lang sila sa studio as hosts at may kanya-kanyang trabaho ang mga tao. Kaya wala silang stress, bihirang uminit ang ulo at hindi napi-pressure. Nagbibigay sila ng mga ideas na puwedeng gawin kaya smooth lahat at si Papa Tony Tuviera lang ang head sa lahat. Hindi siguro ito puwedeng mangyari kung host ka na producer ka pa at lahat hands on mo pakikialaman. It will have a toll on your health at sa pakikisama mo sa tao at mga direct staff mo. Makikita mo iyan sa mukha at katawan ni Willie Revillame, pagod na pagod, madalas maysakit kasi nga sa kanya lahat ang trabaho, siya ang direktang umiisip ng lahat kaya physically bumibigay ang katawan niya. Sana kung host lang siya, sana producer lang siya, pero lahat trabaho niya. Kung gusto ni Willie na magtagal hindi lang iyon programa pati katawan niya dapat may mga tao na siya bahala sa lahat. Iyon na lang pagiging host niya ang alagaan niya. Mahirap ang maging master of all dahil health mo magsa-suffer. Enjoy your place Willie, take time to smell the flowers. Huwag subsob sa trabaho. Tingnan mo sila Tito, Vic, Joey, mukhang young, feeling young, kasi relax ayaw pa-stress. Kahit si papa Tony Tuviera relax relax din. Ganyan gawin mo noh! #instatalk #lolitkulit #71naako

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong