
Umabot na sa legal threat ang palitan ng salita ng dalawang teen singers na sina Darren Espanto at JK Labajo.
Nagsimulang sumabog ang word war sa pagitan ng dalawa dahil sa diumano'y pagtawag ng “bakla” ni JK kay Darren sa pamamagitan ng Twitter post.
Sa kaniyang Twitter post kahapon, October 22, tinawag ni Darren ang atensiyon ni JK dahil sa diumano'y pag-delete ng huli ng kaniyang tweet na “gayness at its finest,” kung saan naka-tag ang una.
Base sa kaniyang tweet, tila hindi naniniwala si Darren na gawa ito ng “hacker,” na naging dahilan ni JK.
Sabi ng 17-year-old singer, “Timing 'no? Dinelete ng “hacker” mo 'yung tweet na 'to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo 'yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo”
Timing 'no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na 'to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo pic.twitter.com/HhVsMVhrSH
-- Darren Espanto (@Espanto2001) October 22, 2018
Mariin naman itong pinabulaanan ng “Buwan” singer at iginiit na gawa ito ng hacker.
Nag-post din si JK ng pribadong usapan nila ni Darren, kung saan sinubukan niyang magpaliwanag, subalit agad na itong nabura.
JK Labajo and Darren Espanto's deleted tweets! pic.twitter.com/68JD8cYP2L
-- ಠ_ಠ (@rosie72869291) October 22, 2018
-- ಠ_ಠ (@rosie72869291) October 22, 2018
-- ಠ_ಠ (@rosie72869291) October 22, 2018
Pero sa kanyang mga sumunod na tweet, nanindigan ang 17-year-old na si JK na hindi siya ang nag-post ng tweet na ipinakita ni Darren.
Aniya, “…di ko lang kayang gawin ay humingi ng patawad sa mga bagay na hindi ko ginawa. mamatay man lahat ng tao na mahal ko at nagmamahal sakin per once and for all, hindi ako ang nag tweet nun at hindi siya ang pinaguusapan namin sa pbb dati. yun lang yun.”
alam ko pagkakamaling ginawa ko kasi i was explaining myself out of anger. pasensiya na sa mga taong nasaktan sa mga salitang nabitawan ko.
-- juan karlos (@KarlosLabajo) October 22, 2018
and di ko lang kayang gawin ay humingi ng patawad sa mga bagay na hindi ko ginawa. mamatay man lahat ng tao na mahal ko at nagmamahal sakin per once and for all, hindi ako ang nag tweet nun at hindi siya ang pinaguusapan namin sa pbb dati. yun lang yun.
-- juan karlos (@KarlosLabajo) October 22, 2018
eh kasi hindi nga ako ang nagtweet. siyemprr yun yung unang papasok sa kokote mo diba? tapos sabi ng kuya ko baka edited daw para siraan ako so ginawa ko rin siyang possible reason.
-- juan karlos (@KarlosLabajo) October 22, 2018
Sa kabila ng mga naging paliwanag ni JK sa kanyang Twitter, tila nandigan si Darren sa kanyang paniniwala na hindi “hacker” ang nag-post ng offensive tweet laban sa kanya.
Sa huling tweet ni Darren kaninang madaling araw, October 23, sinabi niyang, “Hindi ako lalaban sa'yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo.
“Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun.”
Sa huli, nagbanta rin si Darren sa kanyang kapwa teen singer, “Sa korte nalang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, “brother”! @KarlosLabajo”
Since pinost mo na din naman yung chat natin dito (which you've deleted),nung una hacker, ngayon edited? Pero nag appear sa mismong account mo? And even if I wasn't the one you were talking about in PBB, hindi parin tama ang magsalita ng masama tungkol sa iba. @KarlosLabajo
-- Darren Espanto (@Espanto2001) October 22, 2018
Humingi rin ng paumanhin si Darren sa mga na-offend sa paggamit niya ng salitang “bakla” sa kanyang naunang tweet.
Paliwanag ni Darren, “I didn't mean to use the word “bakla” as a derogatory term. I'm sorry if this has offended anyone.
“And to the people who say I have “fragile masculinity”? I've been bashed with this since I was in The Voice Kids (I was 12) pero wala kayong narinig. I'm 17 now, kakapagod na rin.”
I didn't mean to use the word “bakla” as a derogatory term. I'm sorry if this has offended anyone. And to the people who say I have “fragile masculinity”? I've been bashed with this since I was in The Voice Kids (I was 12) pero wala kayong narinig. I'm 17 now, kakapagod na rin.
-- Darren Espanto (@Espanto2001) October 22, 2018