What's Hot

WATCH: Ang mahiwagang putik sa Mountain Province

By Bianca Geli
Published October 24, 2018 9:45 AM PHT
Updated October 24, 2018 9:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang misteryo na bumabalot sa mahiwagang putik ng Paracelis, Mountain Province?

Sa munisipyo ng Paracelis, Mountain Province, may isang barangay ang pinaniniwalaang mahiwaga.

Binabantayan daw ito ng mga diyos ng kagubatan, at ang nakakamangha rito, ang kanilang putik--bumubula at lumiliyab kapag sinisindihan.

Lumipad ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho patungo sa Paracelis, Mountain Province, para makita ang diumano'y mahiwagang putik.

Ayon sa residente ng Paracelis na si Willy Sinoli, may mga encantada raw na nagbabantay sa kanilang lugar.

“May mga nagbabantay doon na encantada, 'yung mga yaman nila binabantayan nila,” aniya.

Kuwento naman ng isang tribe leader mula sa Paracelis, na si Antonin Cayyog, may ginagawa silang ritwal upang magpakita ng respeto sa mga di makitang element na nagbabantay sa lumiliyab na putik.

“Dapat you pay respect to them,” sabi niya.

Samantala, kuwento naman ng kapitan ng barangay na si Peter Wasigan, matapos daw niyang hindi sundin ang nakaugaliang ritwal, minalas siya.

Aniya, “Para kaming mga batang naglalaro doon, tinusok namin 'yung putik para makita kung gaano kalalim. Biglang sumakit yung ulo ko, katawan ko.”

Dagdag niya, “Naniniwala kami na may nagbabantay na hindi nakikita doon.”

Kinabukasan, nag-alay siya ng manok sa isang ritwal para makontra ang kamalasan.

Ano kaya ang misteryo na bumabalot sa mahiwagang putik ng Paracelis, Mountain Province?