What's Hot

MUST-SEE: Pauleen Luna, sinagot ang basher ng kanyang bikini photo

By Cherry Sun
Published October 24, 2018 10:45 AM PHT
Updated October 24, 2018 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Pauleen Luna on her post-pregnancy bod: "I worked hard for it."

Sa unang pagkakataon, matapos ipanganak si Baby Tali, ipinakita ni Pauleen Luna ang kanyang bikini body.

IN PHOTOS: Pauleen Luna flaunts post-pregnancy physique in Amanpulo

Kasalukuyang nasa Amanpulo, Palawan, sina Pauleen, Baby Tali, at Vic Sotto para sa pagsalubong sa nalalapit na kaarawan ng mag-ina.

I'm a sucker for family vacations! Thank you to my husband for this beautiful pre birthday gift for Tali and I! 💛 Thank you Lord for this opportunity to spend tim with my family and to experience your beautiful creation 🙏🏼

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on


Sa kanilang bakasyong ito proud na ipinakita ni Pauleen ang kanyang post-pregnancy body.

Bagamat marami ang pumuri sa Eat Bulaga Dabarkad sa kanyang post-pregnancy bod, hindi pa rin siya nakaligtas sa panlalait ng ilang netizen.

May ilang bashers na pumuna sa kanyang katawan at hindi naman sila inurungan ng first-time mom.

Sa katunayan, may isang kinuwestiyon kung totoo or edited ba ang kanyang litrato.

Samantalang may isa namang sinabi na dahil kay Dra. Vicki Belo kaya ganyang ang hubog ng katawan ni Pauleen.

Loving this beautiful island! 📸 by the hubs @mzet280 (Okay na, pwede na ako kumain! Where's the buffet? 😜)

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on


Gayunpaman, mahinahon ang naging tugon ng TV host.

Aniya, “So sad to see you not lifting other women up. For what it's worth, I worked hard for it.”

Sa kabila nito, marami rin ang pumuri sa magandang pangagatawan ni Pauleen at ilan dyan ay ang kanyang mga kaibigan, katrabaho, at kapwa celebrity.