What's Hot

EXCLUSIVE: Rita Daniela, inaming nakatanggap ng life threats noong tumakbo bilang SK Chairwoman

By Jansen Ramos
Published October 28, 2018 6:23 PM PHT
Updated October 28, 2018 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ikinuwento ng 'My Special Tatay' actress sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com ang mga natutunan niya sa kanyang pagsubok sa pulitika noon.

Sa edad na 16 years old pa lang, tunay ang hangaring tumulong ng My Special Tatay star na si Rita Daniela kaya niya naisipang tumakbo bilang SK Chairwoman sa Parañaque noon.

Ikinuwento ng ngayo'y 23-year-old singer-actress sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com ang mga natutunan niya sa kanyang pagsubok sa pulitika.

Sabi niya, "Nung tumakbo ako, okay alam ko na ito 'yung kikitain ko every month."

"Nung una, ganun 'yung iisipin mo... pero habang tumatagal na tapos 'pag nag-totour kayo sa mga places kapag nangangampanya kayo, nakikita mo 'yung buhay nila."

"So siyempre in a way nag-iiba na 'yung goal mo. Kumbaga, mas lumalawak 'yung goals mo to help."

so much love

Isang post na ibinahagi ni Rita Daniela (@missritadaniela) noong

Sa kasamaang palad, hindi nanalo si Rita sa posisyon ng pagka-SK Chairwoman noong panahong iyon. Pero gusto pa rin kaya niyang subukan muling pasukin ang pulitika? Sagot niya, "Nakatanggap pa rin ako ng invitation pero it's not my cup of tea."

Ibinunyag din ni Rita na ang pagkakaroon ng life threat ang pinakamatinding dahilan kung bakit ayaw na niyang maugnay sa pulitika.

Saad niya, "Tsaka 'yung para makakuha ka ng life threats, isipin mo 16 ako nun parang na-paparanoid ako sa taas kasi may mga nakaabang daw, SK pa lang 'yun ganun na 'yung na-experience ko."

"This is too much stress. 'Di ba in life we have to pick lang what kind of stress that we can handle." dagdag pa niya.

Gayunpaman, abala si Rita sa kanyang showbiz commitments at, aniya, dito na lang niya ibubuhos ang kanyang oras para magbigay-saya.

"This is where my passion, this is where my heart is 'yung performing.

"That's the kind of stress [that I can handle.] 'Yung puyat ka, napapagod ka, and all. That kind of stress I can deal with because when I am on the stage, I know I make someone happy, [and] that makes my heart happy too."

Ngayong darating na eleksyon, ibinahagi niya ang mga hinahanap niyang katangian sa isang public servant.

Bahagi niya, "Siyempre, 'yung genuine talaga na gustong tumulong.

"Yung parang tipong abonado pa siya, instead of corrupting, 'yun lang."

"I think naman kasi once na may heart na ganun, madaling tumulong at madaling magbigay at saka tumanggap, kasi nakikita naman ni Lord 'yun e."