What's Hot

WATCH: KMJS team, minulto sa 'Gabi ng Lagim VI' shoot

By Bianca Geli
Published October 29, 2018 7:52 PM PHT
Updated October 29, 2018 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Habang naglilibot ang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' team sa isang abandonadong ospital, mga sigaw na tila galing sa isang bata ang paulit-ulit na umaalingawngaw. Panoorin ang 'Gabi ng Lagim VI.'

Taong 2003 nang itayo ang Philippine International Hospital sa Pampanga pero isinara ito noong 2009 matapos magkaroon ng problema sa kanilang pamunuan. Naging abandonado na ang ospital at naging terminal na lang ng jeep.

Nagtungo ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa Pampanga upang suriin ang abandonadong ospital na 'diumano'y pinalilibutan ng mga kakaibang elemento, para sa kanilang "Gabi ng Lagim VI" episode.

Habang naglilibot ang team sa abandonadong ospital, mga sigaw na tila galing sa isang bata ang paulit-ulit na umaalingawngaw.

Marami na rin ang nakaranas ng kababalaghan sa nasabing ospital.

Kuwento ni Lemuel Gatip, isang photographer galing Pampanga, pumunta sila ng kaniyang mga kaibigan sa nasabing ospital para sa isang photo shoot ngunit iba ang bumati sa kanila pagkarating sa ospital.

Maging ang mga dating trabahador ng ospital ay mayroon ding mga nakakakilabot na mga kuwento.

Ayon kay Ferdinand Angeles, dating housekeeping staff, “Minsan mayroon kaming narinig na parang dumadaing. Yung nahihirapan ba, humihiyaw.”

Dagdag niya, “Isang araw may nakita kaming bakas sa flooring. Bakas ng paa ng parang batang maliit. Tapos pag dating sa may wall, umakyat pa siya sa may wall. Tapos nawala, naputol na. Nagtataka ako, bakit sa tagal ng panahon, hindi naman siya nabubura.”

Sa gitna ng pagdodokumento ng KMJS, may nakunan din ang kanilang camera na ikinagulat ng lahat.

Ano kaya ang misteryong bumabalot sa abandonadong ospital sa Pampanga?