What's on TV

Lolit Solis, may napansin na pagbabago kay Dingdong Dantes

Published November 4, 2018 1:22 PM PHT
Updated November 14, 2018 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon sa veteran showbiz reporter at manager na si Lolit Solis, may napansin siyang pagbabago kay Primetime King Dingdong Dantes. Ano kaya ito?

Excited na ang veteran showbiz reporter at manager na si Lolit Solis na mapanood ang pinakabagong dramang aabangan sa GMA, ang Cain at Abel.

Pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, tiyak isa na namang obra ang mapapanood ng mga Kapuso.

"Excited na rin ako sa Cain at Abel Salve. Maganda ang project dahil alam mo naman iba pa rin ang ibinibigay na flavor ni Dingdong Dantes sa isang proyekto. First time din na magkakasama sila sa teleserye ni Dennis Trillo kaya dagdag excitement."

Ayon kay Nanay Lolit, kakaibang Dingdong daw ang mapapanood dito.

"Hangang-hanga ako sa growth ni Dingdong as an actor. Talagang pati delivery niya ng dialogue iba. Ang laki-laki ng improvement niya na lalo pa siguro nahasa kung nahawakan siya nila Lino Brocka at Ishmael Bernal.

"Kitang-kita mo ang brilliance niya lalo pag kasama ang ibang seasoned stars, like Aga Muhlach at Ronaldo Valdez. Hindi siya naa-outshine kahit na nasa gitna siya ng maraming artista, a real point para makita mo kung sino ang may star power."

Sigurado rin siya na lalo pang magtatagal sa industriya ng showbiz ang Primetime King dahil sa ugali at pagiging professional nito.

"Dingdong Dantes I swear is one of the best actors of today, I can say he will last a long time not only because of his looks and talents kundi dahil sa pagiging very professional niya and being a good person. Dingdong Dantes will be a name to respect, promise. "

Excited na rin ako sa Cain at Abel Salve. Maganda ang project dahil alam mo naman iba pa rin ang ibinibigay na flavor ni Dingdong Dantes sa isang proyekto. First time din na magkakasama sila sa teleserye ni Dennis Trillo kaya dagdag excitement. Ang hangang-hanga ako sa growth ni Dingdong as an actor. Talagang pati delivery niya ng dialogue iba. Ang laki-laki ng improvement niya na lalo pa siguro nahasa kung nahawakan siya nila Lino Brocka at Ishmael Bernal. Kitang-kita mo ang brilliance niya lalo pag kasama ang ibang seasoned stars, like Aga Muhlach at Ronaldo Valdez. Hindi siya naa-outshine kahit na nasa gitna siya ng maraming artista, a real point para makita mo kung sino ang may star power. Dingdong Dantes I swear is one of the best actor of today, I can say he will last a long time not only because of his looks and talents kundi dahil sa pagiging very professional niya and being a good person. Dingdong Dantes will be a name to respect, promise. #instatalk #lolitkulit❤️ #71naako @dongdantes

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong