
Usap-usapan online si Ashley Ortega at ang lalaking nakakasama nito sa kaniyang mga social media posts na napagkakamalang boyfriend ng aktres.
Paglilinaw ni Ashley, “No, he's my best friend. He's from New Zealand. Nakasama ko siya sa Jollibee before. Siya 'yung nasa 'Signs'.”
Si Ashley daw ang kasama lagi ni Bryce Dyer na mamasyal.
“Ngayon kasi bumalik siya rito sa Philippines, he got back last July and he's staying here until March next year so since wala siya masyadong kakilala rito sa Philippines, ako 'yung lagi niyang nakakasama."
Sa isang fast food commercial daw sila nagkakilala ng best friend na si Bryce. “I just met him last year, nung Jollibee commercial lang kami nag-meet. He's now doing ramp modelling 'cause he's under Human.”