
"Isa talaga 'yung Mars sa sobrang mahal na mahal ko na programa," 'yan ang wika ni Camille Prats sa press nang makapanayam ito sa kaniyang contract signing with GMA Artist Center.
Dito, inalala rin ni Camille ang mga panahon nong in-offer sa kaniya ang Mars.
Aniya, "Actually 'yung Mars, it's really a project that's unexpected for me kasi hindi naman talaga ako known as someone to be hosting. When that was offered to me six years ago, akala ko talaga joke siya kasi bakit ako? Andami namang [iba]. But it's really one of the best things that GMA has given me. We've been on air for six years now and counting and we're very blessed na hanggang ngayon, andami palang nagmamahal sa Mars."
Kuwento pa ni Camille na marami raw ang tumatawag sa kaniya ng "Mars" sa tuwing nakikita siya in public.
"'Yun 'yung nakaka-proud sa show, you know that kahit saan ako magpunta, lagi kong naririnig 'yung 'Mars' so nakakataba ng puso na kung saan saan pala nakakaabot ang Mars," wika ni Camille.
Abangan ang gabi-gabing chikahan nina Camille Prats, Suzi Abrera at iba't ibang celebrity guests sa Mars.