
Saludo si Lolit Solis sa katatagan ni Cesar Montano sa kabila ng mga kinakaharap nito sa personal na buhay.
Inihayag niya ang kanyang paghanga sa aktor matapos ang napabalitang attempted suicide ng anak nina Cesar at Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga.
Aniya, “I know that feeling, iyon bang gusto mo na end na lang problema mo, iyon gusto mo takasan na lang lahat, iyon feeling mo nasa isang wall ka at ipit na ipit ka na at wala ka nang magagawa, so better end it na lang. Pero may ganun bang problema ang isang bata na tulad ni Diego Loyzaga? Meron ba siyang hindi madalang problema para hindi na makaya nang tulong ng inang si Theresa Loyzaga at Cesar Montano? Sad dahil lalo na sa case ni Cesar na may namatay na rin anak dahil sa hindi malaman dahilan.”
“Sa dami ng mga nagaganap, saludo ako sa tatag ni Cesar, saludo ako sa pagdadala niya ng problema. Sana, maayos na anuman ang iniisip ni Diego,” patuloy niya.