
Masaya si Luis Manzano dahil nakilala na niya ng personal ang nakatatandang kapatid ni Jessy Mendiola na si Pamela Martinez.
Sa kanyang Instagram post noong Lunes, November 12, nagpasalamat Luis sa kanyang girlfriend na si Jessy dahil isinama siya nito nang magbakasyon siya sa Japan.
Ani Luis, "To my travel partner and partner in life @senorita_jessy, thank you for taking me to Okinawa with you to meet your family too :) i can't wait for our next journey together. I miss and love you howhow!"
Limang taon na rin ang nakararaan simula nang huling makita ni Jessy ang kaniyang ate, na nakabase na ngayon sa Okinawa, Japan kasama ang kaniyang pamila.
Samantala, very sweet din ang caption ni Jessy sa couple photo nila ni Luis na kuha rin sa Japan.
Aniya, "You light up my world."
Dahil sa nakakakilig na larawan nina Jessy at Luis, maraming fans ang nakapansin na tila si Jessy daw ang unang tinawag ni Luis na kanyang "partner in life."
Muli ring natanong kung kailan kaya magpapakasal ang dalawa. Narito ang ilang sa mga ito: