What's Hot

Mark Estephen, balik na bilang ang transgender na si Sabel Gonzales?

By Cherry Sun
Published November 19, 2018 5:26 PM PHT
Updated November 19, 2018 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Usap-usapan ng netizens ngayon na si Mark Estephen ay bumalik na sa kanyang transgender identity bilang ang dating Super Sireyna na si Sabel Gonzales.

Usap-usapan ng netizens ngayon na si Mark Estephen ay bumalik na sa kanyang transgender identity bilang ang dating Super Sireyna na si Sabel Gonzales.

Kumakalat ang ilang litrato na makikita diumano ang pagbabalik ng transgender beauty queen. Ang photo album sa Facebook na may account name na Anjeli Tanne ay may mahigit 200 shares na at umani ng iba't ibang reaksyon lalo na mula sa LGBTQ community.

Hindi pa man kinukumpirma o itinatanggi ni Mark kung siya nga ang nasa litrato at kung may katotohanan ang pagbabalik niya bilang isang transwoman, tila isang pahiwatig ang kanyang ibinahagi sa kanyang personal na Facebook account.

Makikita sa kanyang profile photo na siya ay tila nakabihis pambabae. Aniya, “I'm also human, I'm not perfect, and I know that in every decision that I make, there's a consequence. I'm NOT PROUD just to show my pride, but I humble myself to admit that I am a sinner that need the forgiveness of God. I am an imperfect person that needs the perfect LOVE of God.

“This is the reality that people should know, it is not easy what I am going through, but I still have HOPE in our Lord JESUS CHRIST that I will be transformed inside and out in His right time,” patuloy niya.

Sinubukan din ng GMANetwork.com na makuha ang kanyang opisyal na pahayag tungkol dito, at nananatili kaming bukas para makuha ang panig ni Mark.